Monday, March 26, 2007

Why I am a fan

I wasn't sold kaagad. kahit gusto ng mata ko yung literature and a bit of mondo manila.. Hindi siya love at first sight.




But when I saw lata at chinelas and rugby boyz, it made me think again. He sure presented real life squatter angst, the one without the pinoyniwood ingredients of mellowdrama and tears. These are not the pretty girls and boys just greased up to play the part, hindi sila sasampalin ng madrasta/o nila at hahawakan sa panga habang walang magawang umiiyak.. Lumalaban sila, makikipagpatayan sa bola o sa micropono ng karaoke.. Nakangiti sila, madumi sila. Hindi sila nakakaawa, nakakatakot sila. Astig sila. Siguro kaya ko din nagustuhan ang squatter genre ni Khavn e dahil gusto ko ring gumawa ng pelikula tungkol sa kanila. Tono ng lamya, lungkot at lunod sa buhay na kinagisnan ang nasa isip ko sa kanila nung una. Nakita ni Khavn ang grit and grease nila, yung grasang kaagad ko yatang pupunasan ng wet wipes pag nadikit ako. Hinanda niya ako. Sigurado may mga putik na tumalsik sa kanya nung nag shoot siya, sigurado hindi siya nandiri.. Alam ninyo naman na cowboy din ako, pero ibang level ang mga ito. Nanlilisik ang mga mata, mas matanda na ang galit kaysa totoong edad nila. Kaya niyang makipagtitigan sa mga iyon.. Ako matatakot pa yata. Pag hinihingiian ako ng pera ng pulubing astig natatakot ako na baka nakawan niya ako. Kunin ang camera na hiniram ko. Kung gawin man nila yun. Hindi sila masama, hindi lang kasi siya uuwi sa madrasta/o niya para masampal at umiyak.

Astig si Khavn, am now a favn!

Yun nga lang, ilang step back from an attempt to be a filmmaker. Kailangan ko pang maghanda para makita ko sila mata sa mata.

-- BB

No comments: